DSWD, muling nabigong maabot ang deadline sa pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP

Bigong maabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang itinakda nilang deadline para makumpleto ang pamamahagi ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, nasa 1.2 milyong pamilyang benepisyaryo pa ng SAP ang hindi nabibigyan.

Kailangan pa kasing i-upload ng ilang Local Government Units (LGUs) ang mga pangalan ng benepisyaryo habang for validation pa ang iba.


Sa kabuuan, higit 77 bilyong piso na ang naipamahaging ayuda ng DSWD sa pamamagitan ng manual at digital payouts, sa halos 13 milyong pamilyang benepisyaryo ng SAP 2.

Bagama’t nahirapan sa pamamahagi ng ayuda dahil isinailalim ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), sinabi ni Bautista na tuloy pa rin ito para matulungan ang naapektuhan ng pandemic.

Facebook Comments