DSWD, muling umapela sa mga motorista na huwag mamigay ng pera sa mga palaboy sa mga lansangan ngayong panahon ng Kapaskuhan

Hindi sang-ayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamimigay ng pera o tokens ng mga motorista sa mga street dwellers ngayong holiday season.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, sa pamamagitan nito ay maiiwas ang mga palaboy sa iba’t ibang panganib sa kalusugan at kaligtasan habang nasa daan.

Sa halip, hinimok nito ang publiko na gawin ang pagbigay ng tulong sa mga street dwellers at indigenous people sa paraan na ligtas sila sa panganib sa daan.


Aniya, maaari namang ipagkaloob ang tulong sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng gift-giving activities, feeding sessions, o medical missions sa mga activity centers ng Local Government Units (LGUs) na ayon sa health and safety protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Hinikayat pa ng DSWD ang publiko na tawagan ang kanilang hotline number kapag may sightings ng street children at individuals sa mga lansangan para kanilang masagip.

Facebook Comments