Manila, Philippines – Lubha nang nababahala ang DSWD Inter-Agency Council Against Child Pornography sa pagtaas ng kaso ng pang-aabuso sa online trafficking at exploitation sa mga kabataang pinoy.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Lorraine Marie Badoy, nangangamba na sila sa paglala ng pang-aabuso lalo na sa child pornography at online sexual exploitation.
Aniya mismong mga magulang na kasi ang nagtutulak sa kanilang anak na pasukin ang ganitong uri ng trabaho dahil walang physical contact sa mga kliyente kayat walang masamang epekto.
Pero ang hindi batid ng mga magulang na malaki ang psychological effect nito sa mga kabataan na maaaring ikasira ng kanilang kinabukasan.
Dahil dito, muling nanawagan ang DSWD na palakasin ang kampanya laban sa lahat ng uri ng karahasan sa mga kabataan at pabigatin ang anti-child pornography.
Ito ay upang matigil ang child pornography sa pamamagitan ng pag install ng software na nagbabawal sa pag-access sa mga site na may pornographic contents.