Katuwang ang Philippine Air Force (PAF), inilipad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang humigit-kumulang na 7,000 family food packs (FFPs) sa Batanes bilang bahagi ng augmentation support nito sa lalawigan kasunod ng tsunami warning na ipinalabas pagkatapos ng April 3 na lindol sa Taiwan.
Sinabi ni Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao na inisyal na 600 FFP ang inilipad ng PAF C-130 plane noong Abril 5 mula Laoag City, Ilocos Norte patungong Batanes.
Dagdag ni Dumlao, ang natitirang 5,200 FFPs para sa Batanes ay magmumula sa bodega ng DSWD Field Office-1 (Ilocos Region) na matatagpuan sa Laoag City.
Nangako ang DSWD na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang field office sa Ilocos Region at Cagayan Valley sa Regional Office ng Civil Defense (OCD) at PAF upang matiyak ang maayos na paghahatid ng mga supplies sa mga apektadong pamilya.