DSWD, nag-standby na ng ₱1.2-B para sa maapektuhan ng bagyong Usman

Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa magiging epekto ni bagyong Usman.

Sa ngayon ay may kabuuang ₱1.2 billion na standby funds ang DSWD para tiyakin na agaran itong makakapaghatid ng tulong sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.

Nakahanda na ang nasa 404,948 family food packs maliban pa sa mga food at nonfood items na nagkakahalaga ng mahigit 900 million pesos.


Ayon kay DSWD Spokesperson, Assistant Secretary Glenda Relova, nasa 6,323 food packs ang nakalaan para sa Bicol Region na inaasahang unang hahagupitin ng bagyo.

Nakahanda na rin ang nasa 27,337 family food packs at 37,600 na piraso ng malong na ipapamahagi sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Camarines Norte at Catanduanes.

Sinabi ni Relova na kahit holiday season, in-activate nilang ang mga quick response teams nito sa lahat ng mga field offices sa mga lugar na daraanan ni bagyong Usman.

Facebook Comments