DSWD, nagbanta sa mga LGUs kaugnay sa pamimigay ng cash assistance sa mga hindi kwalipikadong benepisyaryo; suplay ng pagkain sa buong bansa hanggang Hunyo, tiniyak ng DA

Nagbanta ang Department of Social Welfare and Development sa mga Local Government Units (LGUs) kaugnay sa pamimigay ng cash assistance sa mamamayan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, mananagot ang mga LGUs na responsable sa pamimigay ng sap sa di karapat-dapat o hindi kwalipikadong benepisyaryo.

Dapat kasi aniyang isauli ng LGUs ang halagang sosobra dahil maraming pamilya pa ang lubos na nangangailangan at karapat-dapat sa naturang programa.


Kasabay nito, inihayag ni Paje na mapipilitan ang DSWD na hindi muna ibigay ang kasunod na bahagi ng emergency subsidy sa sinumang LGU na hindi makakapagpasa ng liquidation report sa nakatakdang araw.

Nakasaad kasi aniya sa Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng DSWD at ng mga LGU na responsibilidad ng huli ang wastong pamamahagi, disbursement ng pondo alinsunod sa tuntunin at regulasyong itinakda ng commission on audit.

Facebook Comments