DSWD, nagbigay na ng tulong sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal

Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na tulong sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ang DSWD ay nakapaghatid na ng 200 family tents sa Batangas Sports Complex, habang 500 modular tents ang ibinigay sa kanilang Region 4-A warehouse sa General Mariano Alvarez sa Cavite.

Aabot sa 1,282 indibidwal o 317 na pamilya ang nananatili sa 11 evacuation centers sa lalawigan ng Batangas.


Pagtitiyak ni DSWD Secretary Rolando Bautista na susuportahan ang mga apektadong Local Government Units (LGUs) sa pamamagitan ng food at non-food items.

Magpapadala rin ang DSWD ng 300 family tents sa Laurel, Batangas.

Inihahanda na rin ang pag-dispatch ng 1,500 family food packs (FFPs) sa Agoncillo, Batangas, 2,000 FFPs sa bayan ng Laurel, at 10,000 FFPs sa Batangas Sports Complex.

Facebook Comments