DSWD NAGBIGAY NG P4-MILYONG DONASYON SA BENGUET GENERAL HOSPITAL

Benguet, Philippines – Nasa higit apat na milyong pisong cash donasyon ang natanggap ng nasa dalawang-put limang libong empleyado ng Benguet General Hospital (BeGH) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang pagtulong nito sa hospital.

Nagpasalamat  sina Benguet Governor Melchor Diclas at BeGH Hospital Chief Doctor Meliarazon Dulay sa sakripisyong inilaan ng DSWD at BeGH.

Nangako ang BeGH na gagamitin sa mabuting paraan ang donasyon sa pagpapatuloy na paglaban sa Covid-19 sa rehiyon lalo na’t nadaragdagan at tumataas pa din ang kaso ng sakit na ito sa ilang probinsya ng Cordillera.


Nasa dalawang libo naman na mga Covid-19 suspected cases bukod sa confirmed cases ang naserbisyuhan na ng hospital ayon sa kanilang datos.

Facebook Comments