Naghahanda na ang Department of Social Workers and Development (DSWD) sa magiging epekto ng 2 bagyo sa bahagi ng hilagang Luzon.
Ayon kay DSWD Asec. Romel Lopez, magpupulong sila ngayong araw upang talakayin ang lahat ng paghahanda kabilang na ang pagpapadala ng tulong sa posibleng maapektohan ng sama ng panahon
Meron ng nakalaan na 1.7 bilyong piso na standby fund upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Nakahanda na rin ang mga family food packs upang mabilis na makapag-abot ng tulong.
Base sa pagtaya ng PAGASA, posibleng hindi lalapag sa kalupaan ang bagyo pero posibleng magdulot parin ito ng pagbaha dahil sa pag-ulan.
Facebook Comments