DSWD, naghanda ng mahigit 75,000 family food packs para sa naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon

Naghanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga ibabahaging Family Food Packs (FFPs) matapos ang minor explosive erruption ng Bulkang Kanlaon nitong Biyernes ng gabi, October 24.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao na nasa higit 75,000 na FFPs ang naka-preposition sa Negros Region.

Ani Dumlao na nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon kung kinakailangan ng tulong ng DSWD.

Dagdag pa niya na inaalam na din ng Social Welfare Department kung ano ang sitwasyon sa lugar matapos ang pagsabog.

Ayon sa isinumiteng report ni DSWD-NIR Regional Director Arwin Razo kay Secretary Rex Gatchalian na wala pang napapaulat na internally displaced persons na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon na ngayo’y nakataas pa rin sa alert level 2.

Bukod sa food packs, nakahanda na rin ang mga gagamiting mobile kitchen, mobile command center, water filtration truck na idedeploy sa anumang oras ito kinakailangan.

Patuloy naman minomonitor ng Quick Response Team ng DSWD at nakikipag-coordinate sa mga LGUs para sa technical assistance at posibleng resource augmentation.

Facebook Comments