DSWD, nagkaloob ng tulong sa pamilya ng Pinay nurse na namatay sa giyera sa Israel

Naghatid na rin ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ni Filipina nurse Angelyn Aguirre sa Binmaley, Pangasinan.

Ito ay kasunod ng direktiba si DSWD Secretary Rex Gatchalian, na hanapin para tulungan ang pamilya ng dalawang migrant workers na namatay sa gitna ng nanagyayaring giyera sa pagitan ng Israel at Palestine.

Pinangunahan ni DSWD Field Office 1 Dean Arlu Javier, ang personal na pag-aabot ng pakikiramay at tulong mula sa ahensya sa nanay ni Angelyn.


Sampung libong piso mula sa AICS Program o Assistance to Individual in Crisis Situation ang inisyal na ipinagkaloob sa ina ng Pinay nurse.

Matatandaan na una na ring pinagkalooban ng financial assistance ang pamilya ng 42-anyos na Pilipinong namatay din sa Israel na si Paul Vincent Castelvi.

Una nang sinabi ni Sec Gatchalian, na walang sapat na halaga ng pera ang maaring makapawi sa pighati ng mawalan ng mahal sa buhay pero pagtitiyak ng kalihim na ipagkakaloob ng pamahalaan ang lahat ng tulong na nararapat sa itinuturing ng bansa bilang mga Bayaning Overseas Filipino Worker (OFW).

Facebook Comments