Naglaan ng P1.1 bilyong pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa disaster response at tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding.
Ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez, mula sa kabuuang pondo, P103 million dito ay ilalaan para sa quick response funds ng central office ng DSWD habang P43 million naman ang nakalaan sa walong rehiyon sa Luzon, na lubhang naapektuhan ng naturang bagyo.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng relief operation ang DSWD sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, National Capital Region (NCR), at Cordillera Administrative Region (CAR).
Tinatayang nasa 224,000 na family food packs ang ipamimigay ng ahensya sa 9,000 na indibidwal na nasa 194 evacuation centers.