DSWD, naglaan ng P5-M standby funds para sa naapektuhan ng magnitude 6 na lindol sa Masbate

Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P5 million standby funds para handang itulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Masbate.

Nakapaloob sa naturang pondo ang 28,384 family food packs at 51,540 non-food items na handang ipamahagi sa mga taga Masbate kung kinakailangan.

Ayon sa DSWD Field Office V, bagama’t walang mga na-displace na pamilya sa naganap na 6.0 magnitude earthquake sa Masbate, agad namang pinakilos ng DSWD-FO V ang kanilang Social Welfare and Development (SWAD) Teams at Quick Response Teams (QRT) upang magsagawa ng rapid damage assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) doon.


Facebook Comments