Patuloy na nagbibigay ng relief aid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon,
Ayon sa DSWD, naglabas na umano sila ng 5th wave ng pagkain para sa Field Office (FO)-5 sa Bicol region at sa Local Government Units (LGUs).
Kung saan may kabuuang 33,000 family food packs (FFPs) o suplay ng pagkain na maaaring magtagal hanggang September 9.
Samantala, tiniyak pa rin ng ahensya sa mga Bicolano na habang nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon ay patuloy silang makikipag-ugnayan sa iba’t ibang LGUs upang makapagbigay ng kinakailangang tulong.
Facebook Comments