DSWD, naglabas ng guidelines sa Bayanihan 2 subsidy program

Makatatanggap ng one-time emergency cash subsidy ang mga low-income families na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

Ang cash aid ay nagkakahalaga mula ₱5,000 hanggang ₱8,000.

Sa Memorandum Circular No. 22 Series of 2020, na nilagdaan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista noong October 5, 2020, nakasaad na rito ang guidelines sa pagpapatupad ng Bayanihan 2 Emergency Subsidy Program at ang COVID-19 response and recovery intervention program.


Sa ilalim ng special guidelines, binigyang diin ni Bautista na ang Bayanihan 2 ay hindi dapat itinuturing na ikatlong bahagi ng Social Amelioration Program (SAP 3).

Ang mga target na benepisyaryo ng subsidy program ay ang mga sumusunod:

–              Low-income families sa mga lugar na nasa granular lockdown

–              Mga kwalipikadong pamilya na hindi nabigyan ng SAP 1 at SAP 2

–              Mga kakauwi lamang na Overseas Filipino Workers (OFW) na kabilang sa low-income family at nakatira sa granular lockdown areas

Ang mga Local Government Units (LGU) ang magsasagawa ng cash subsidy distribution at magbibigay ng logistical support sa DSWD para sa direct payout o payment sa pamamagitan ng Financial Service Providers (FSP).

Ang Bayanihan 2 ay umiiral na mula pa noong September 13, 2020 kung saan aabot sa ₱6 billion ang inilaan para pondohan ang DSWD programs.

Facebook Comments