Dswd – Naglabas Ng Karagdagang 200 Milyong Pondo Para Sa Mga Naapektuhan Ng Bagyo

11

MANILA – Naglabas na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang relief goods na nagkakahalaga ng P206 million para sa mga sinalanta ng bagyong Nina.Ayon kay Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo, naipamahagi na ang kanilang kagawaran ng mga relief supplies para sa 27 Local Government Units (LGUS) na naapektuhan ng bagyo.Kabilang sa mga additional supplies na ipamimigay ng DSWD ay 580,857 na family food packs, 2,459 ready-to-eat meals, 1,585 malong, 855 na kulambo, 885 na mga kumot at 585 hygiene kits.Naghanda na rin ang DSWD ng nasa P8 milyong halaga ng relief goods sa 25 LGUs sa Bicol.Sa ngayon ay patuloy ang pagre-repack ng mga tauhan ng DSWD sa at mga volunteers sa kanilang national warehouse sa Pasay City.Ayon pa sa DSWD, tumatanggap sila ng mga in-kind donations gaya ng mga de latang pagkain, ready-to-eat na pagkain, bottled water, hindi pa nagagamit na mga damit, toiletries, kumot, mga di pa nagagamit na kubyertos, kulambo, solar lamps at maging mga laruan.

Facebook Comments