Manila, Philippines – Nangunguna ang lungsod ng Maynila sa sampung mga LGUs na kabilang sa shame list na inilabas ng Department of Social Welfare and Development matapos mabigo ang mga ito na magsumite ng Liquidation Report sa mga ipinatutupad na feeding program sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay DSWD OIC Emmanuel Leyco, tila bingi ang mga LGUs sa usapin ng liquidation report dahil pahirapan aniya ang ginagawa nilang pakiusapan sa mga ito.
Ayon kay Leyco, batid nilang may mga issue na kinahaharap sa pag po proseso ng liquidation report, ngunit para madelay ng anim na taon ang mga ito sa pagsusumite ng ulat, ay hindi na aniya kapani- paniwala ito.
Base sa datos ng DSWD, mula 2011 hanggang 2016 ang mga LGU na may unliquidated balance ay ang: Maynila na mayroong higit 47 million pesos. Sinundan ng Cebu na may higit 23 million unliquidated balance. Iligan, Taguig, Cagayan de Oro, Puerto Princesa, Ayungon, Negros Oriental, Iloilo City, Antipolo at Zamboanga City.
Ginagawan na aniya ng paraan ng DSWD para magcomply ang mga LGUs upang maiwasan, na ang mga benipisyaryo ng mga feeding programs ang sasalo sa outcome ng kapabayaan ng mga LGUs.