Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang unang Family Development Session TV (FDS TV).
Ito ay para isulong ang financial literacy sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa pilot airing ng FDS TV, nakatuon ang DSWD sa financial literacy, partikular sa financial planning at kahalagahan ng pag-iipon, lalo na sa panahon ng emergency tulad ng COVID-19 pandemic.
Makakatulong ang FDS sa pagbibigay ng life skills sa mga benepisyaryo.
Ayon kay Financial Advisor Vincent Catudio, mahalagang magkaroon ng financial planning para sa magandang kinabukasan.
Ang mga 4Ps beneficiaries ay dapat mayroong self-awareness sa mga sumusunod: source of income o livelihood; listahan ng pinagkakagastusan; current status o situation; listahan ng mga ulat at bill na kailangang bayaran; at presensya ng savings.
Dapat ding ikonsidera ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya dahil makakaapekto ito sa kanilang financial status.
Nabatid na nasa 4.3 million 4Ps household beneficiaries sa bansa.