DSWD, nagpaabot ng tulong pinansyal sa pamilya ng apat na batang nasawi sa road accident sa Pampanga

Nagpaabot na ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa naulilang pamilya ng apat na bata na nasawi sa road accident sa Porac, Pampanga.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, nasa P20,000 ang ibinigay ng DSWD Field Office 3 bukod pa sa guarantee letter para sa lahat ng gastusin sa libing at burol ng mga nasawi.

Matatandaang sa ulat ni Police Regional Office 3 Director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., ang apat na bata ay sakay ng “kolong-kolong” na minamaneho ng kanilang ama na si Edmund Canlapan Escoto.


At doon na nga bumangga ang ‘kolong-kolong’ sa pick-up truck dahil sa impact nG dump truck.

Dead on the spot ang apat na batang nasa edad 2, 6, 8 at 10 habang ang kanilang ama ay sugatan.

Facebook Comments