DSWD, nagpaabot ng tulong sa mga apektadong pamilya kasunod ng sagupaan ng Philippine Army at ng mga rebelde sa Occidental Mindoro

Nagbigay na ng pangunahang tulong ang DSWD sa mga apektadong pamilya sa Sitio Tiyabong, Brgy. Ligaya, Sablayan, Occidental Mindoro dahil sa bakbakan sa pagitan ng Philippine Army (PA) at New People’s Army (NPA)

Ayon sa DSWD, sa pamamagitan ng kanilang opisina sa MIMAROPA mabilis napaabot ang tulong sa 284 pamilya o 1,366 na katao na inilikas at dinala sa evacuation area.

Kabilang sa pinadala ay ang mga family food packs at hygiene kit na nagkakahala ng ₱312,000.


Binigyan din ng ₱10,000 burial assistance ang ilan sa namatayan doon dahil sa nasabing armed conflict.

Sa ngayon, patuloy na nakatutok ang dswd sa sitwasyon sa Brgy. Ligaya, Sablayan, Occidental Mindoro para maibigay ang mga pangangailangan ng apektadong residente.

Facebook Comments