Naghatid ng karagdagang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Local Government Units (LGUs) sa Negros Occidental na naapektuhan ng malawakang pagbaha nitong mga nakalipas na araw.
Layon nito na mabigyan ng tuloy-tuloy na suporta ang mga apektadong residente.
Ayon sa DSWD, kabuuang 54 barangays sa lalawigan ng Negros Occidental ang nakaranas ng mga pagbaha dahil sa mga pag-ulan dulot ng frontal system at Low Pressure Area (LPA).
Hanggang January 6, mahigit na sa ₱1.5 million halaga ng tulong ang naibigay ng DSWD, mga concerned LGUs at private partners sa mga affected families.
Nagkaloob din ng mga food packs ang DSWD sa mga residente sa Silay City, Victorias City, Sagay City, Cadiz City at E.B. Magalona na nilubog din ng tubig baha.
Base sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response and Management Bureau, may 7,640 pamilya o 37,830 individual mula sa 48 barangays sa lalawigan ang apektado ng pinakahuling insedente ng pagbaha.