DSWD, nagpaalala sa pantry organizers na makipag-coordinate sa LGUs

Nakiusap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga organizers ng community pantries na makipag-coordinate sa mga local government units (LGUs) para matiyak na maayos ang gagawing aktibidad.

Ayon sa DSWD, kailangang magkaroon ng maayos na pagsasagawa ng relief drive activities lalo na kung may mga participants mula sa vulnerable groups tulad ng mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Pinayuhan din ng ahensya ang mga senior at PWDs na iwasang lumabas ng kanilang bahay at magpadala na lamang ng kinatawan para kunin ang financial assistance mula sa Local Government Units (LGUs).


Para makuha ang ayuda, ang mga family representatives ay dapat magpakita ng kanilang ID, senior citizens’ ID, at authorization letter na pinirmahan ng elderly-beneficiary.

Pagtitiyak ng DSWD na nananatiling prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga nakatatanda at may kapansanan ngayong health crisis.

Ang pamamahagi ng cash aid sa NCR plus ay pinalawig hanggang May 15.

Facebook Comments