DSWD, nagpadala ng augmentation support sa Ulysses affected areas

Photo Courtesy: DSWD Region V

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sunud-sunod na ang paghahatid ng ayuda sa mga lugar na pinalubog ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang National Resource Operations Center (NROC) ay mayroong P800 million na halaga ng food stockpiles at standby funds.

P226 million dito ay standby funds.


Naka-preposition na ang 282,000 na available na family food pack at mga non-food items sa DSWD-Field Offices.

Aabot sa 1,000 family food packs, 250 sleeping kits ang naipamahagi sa evacuees sa Quezon City.

2,000 FFPs at 400 sleeping kits naman para sa Marikina City.

Paparating na rin ang 2,000 family food packs sa Cardona, Rizal, at 4,961 sa San Narciso, Quezon.

Mayroon namang P3 million na standby funds ang ahensya sakaling kailanganin pa ng suporta ng mga apektadong Local Government Units (LGUs).

Inihahanda na rin ng NROC ang paghahatid ng 3,300 family food packs para sa Legazpi, Albay at 1,700 FFPs para sa Camarines Norte.

Facebook Comments