DSWD, nagpasalamat sa USAID, IOM para sa IT equipment

Pinasalamatan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista sa International Organization for Migration (IOM) at ang United States Agency for International Development (USAID) sa pagpaparamdam ng ‘bayanihan spirit’ at sa pagtulong sa pamahalaan na mapagtibay pa ang disaster preparedness at response.

Ang IOM ay nag-donate ng nasa 21 Distance Learning Information Technology (IT) Equipment na nagkakahalaga ng ₱3.3 million sa DSWD.

Ayon kay Bautista, malaki ang kanilang utang na loob sa mga nasabing international organizations dahil sa pagkakaloob ng IT equipment.


Sa pamamagitan aniya ito, maipatutupad ng DSWD ang mataas na kalidad at epektibong distance learning activities at matiyak na ang field office staff, Local Government Units at iba pang partner-stakeholders ay nananatiling updated sa mga bagong polisya at guidelines sa disaster response operations.

Pagtitiyak ni Bautista na patuloy ang ahensya na maihatid ang social safety nets sa bawat Pilipino sa kabila ng epekto ng pandemya.

Facebook Comments