DSWD, NAGSAGAWA NG MEDIA FORUM

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development Region 2 ng Media Forum para talakayin ang iba’t ibang serbisyo at programa.

Pinangunahan ito ni Raymond Burgos, Special Assistant to the Secretary for Strategic Communications, at Director Aldrine Fermin ng Traditional Media Service, kasama ang mga kasamahan sa media.

Tampok sa forum ang talakayan sa mga gawain ng Council for the Welfare of Children (CWC) para sa nalalapit na pagdiriwang ng 32nd National Children’s Month ngayong Nobyembre, na ipinakilala ni CWC Executive Director Undersecretary Angelo Tapales.


Ibinahagi rin ni Irish Flor Yaranon, Chief Administrative Officer ng National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB), ang kahandaan ng DSWD sa disaster response para sa paparating na bagyong Kristine at Leon.

Facebook Comments