DSWD, nagsagawa ng pag-iinspeksyon sa kanilang mga bodega sa Metro Manila

Nagsagawa ng pag-inspeksyon ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang mga bodega sa Metro Manila, matapos ilabas ang finding report ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, inatasan na nito si NCR Director Atty. Michael Joseph Lorico kasama si NCR Disaster Response Management Division Chief Bienvenido Barbosa Jr., na bisitahin at bantayan ang mga warehouse ng departmento.

Ito’y para alamin ang kalagayan sa mga bodega ng DSWD na layong mapabuti at pagandahin ang mga pasilidad.


Paliwanag ng kalihim na kabilang sa nakatakdang isaayos ang mga sirang kisame at bitak na pader dahil sa mga lumang istraktura na nangangailangan ng renovation.

Ayon kay Director. Lorico, patuloy na hahanap ng paraan ang departamento upang matugunan ang pangangailangan sa bawat bodega sa kabila ng limitadong budget.

Binigyang diin naman ng opisyal na maayos na nasusunod ng mga tauhan sa bodega ang kalinisan partikular na ang disinfection, pest extermination at sanitation.

Facebook Comments