DSWD, naka-red alert na sa mga rehiyong apektado ng bagyo

Naka-red alert na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na apektado ng bagyong Florita.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, naka-preposition na ang mga pagkain at non-food items sa mga bodega nila sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Pagtitiyak ng kalihim, sobra-sobra ang mga nakahanda nilang food packs kung saan sa Region1 pa lamang ay mayroon nang 100,000 kahon ng ayuda.


Bukod dito, nakaantabay na rin ang P20-million pondo para sa paghahatid ng tulong sa mga lubhang masasalanta ng bagyo.

Facebook Comments