DSWD, naka-standby sa mino-monitor na sama ng panahon sa Mindanao

Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mabilis na rumisponde sa mga lugar sa silangang bahagi ng Mindanao na maapektuhan ng sama ng panahon.

Binabantayan ngayon ng PAGASA weather bureau, ang isang sama ng panahon na inaasahang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi.

Ayon kay Assistant Secretary Glenda Relova, spokesperson ng DSWD, mino-monitor nila ang mga updates sa PAGASA.


Nakikipag-ugnayan na sila sa mga Local Government Units (LGUs) sa Eastern visayas, Davao at Caraga region.

Aniya, may sapat na food and nonfood items na naka pre-positioned sa lahat ng field offices at 24 hours din na duty ang kanilang quick response teams.

Facebook Comments