DSWD, nakahandang maghatid ng tulong sa mga LGU na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maghatid ng relief assistance sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ayon kay DSWD Spokesperson Dir. Irene Dumlao, nakikipag-ugnayan na ang kanilang ahensya sa pamamagitan ng field office nito sa Region 4A, sa mga Local Government Unit (LGU) na apektado.

Ani Dumlao, mga food packs ang paunang tulong na ipadadala ng DSWD sa mga apektadong pamilya.


Batay sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center ng DSWD, nasa 900 pamilya o 3,000 indibidwal ang kasalukuyang tumutuloy sa evacuation centers mula alas-6:00 kagabi.

Facebook Comments