DSWD, nakapag-assess ng higit 14.49 million na pamilya sa ilalim ng Listahanan 3

Nakapagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng assessment ng nasa higit 14.49 million na pamilya o 92.3% ng 16.1 million na households na target i-evaluate sa ilalim ng ikatlong round assessment ng Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

Ayon kay DSWD National Household Targeting Office (NHTO) Director Justin Batocabe, nasa 14,492,065 households ang na-assess sa ilalim ng Listahanan 3.

Mula sa nasabing bilang ng na-assess na households, 100% ng Household Assessment Forms (HAFs) ang na-encode na sa database at nakumpleto na nitong Disyembre.


Aminado si Batocabe na hindi pa rin nila naabot ang 100% completion rate dahil sa pandemya, nagdaang bagyo at iba pang kalamidad noong 2020.

Facebook Comments