DSWD, nakapag-standby na ng mahigit ₱242-M para sa disaster response kaugnay ng Bagyong Ambo

Nakalagay na sa alert status ang lahat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa magiging epekto ng Bagyong Ambo.

Patuloy na ang koordinasyon ng DSWD sa Local Government Units (LGUs) para sa mga technical assistance at dagdag na resources.

Ayon kay DSWD Director at Spokesperson Irene Dumlao, mayroong kabuuang standby fund na ₱1,186,727,653.99 ang ahensya.


Mula sa kabuuang pondo, naka-standby na ang ₱242,578,175.96 para sa disaster response.

Nakapag-preposition na rin ang DSWD ng 413,339 family food packs na nagkakahalaga ng mahigit ₱184 million at mga non-food item na nagkakahalaga ng ₱488 million.

Pinayuhan ng DSWD ang residente sa mga daraanan ng bagyo na maging listo.

Sumunod aniya sa mga babala at tagubilin ng kani-kanilang mga lokal na opisyales sakaling magpatupad ng paglilikas.

Facebook Comments