DSWD, nakapaghatid na ng 200, 000 na family food packs sa Bicol at Calabarzon sa gitna ng pag-aalburuto ng Bulkan Mayon at Taal

Nagparating ng 200,000 food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Bicol at CALABARZON sa gitna ng pag-aalburuto ng Bulkan Mayon at Taal.

Agad inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga field office sa CALABARZON at Bicol na mag-preposisyon ng hindi bababa sa 100,000 family food packs (FFPs) bawat rehiyon bilang bahagi ng disaster mitigation at preparedness initiatives ng department.

Ang utos ng kalihim ay bilang paghahanda sa posibleng pagsabog ng pag-aalburuto Taal volcano sa Batangas province sa Southern Tagalog Region at Mayon Volcano sa Albay province sa Bicol Region.


Ipinunto ng kalihim na ang DSWD ay patuloy na naghahanda para sa anumang posibleng pagsabog dahil ang dalawang bulkan ay patuloy na nagpapakita ng pag-aalburuto nitong mga nakaraang araw.

Ani Gatchalian, nakipag-usap na siya sa telepono kay Albay Governor Edcel Grex Lagman at tiniyak nito na nakahanda ang DSWD na tumugon sakaling magkaroon ng malaking pagsabog ng Bulkan Mayon.

Facebook Comments