DSWD, nakapaghatid na ng mahigit ₱55 million assistance sa mga apektado ng habagat na pinalakas ng bagyong Goring at Hanna

Aabot na sa ₱55.3 million ang halaga ng Humanitarian Assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga lugar na naapektuhan ng habagat na pinaigting ng bagyong Goring at Hanna.

Ayon sa DSWD, inilaan ang ayuda sa higit 2,000 mga apektadong barangay sa 10 rehiyon sa bansa.

Samantala, umakyat pa sa higit 231,748 pamilya o 872,481 na indibidwal ang naapektuhan ng mga malalakas na pag-ulan at pagbaha.


Aabot pa rin sa 846 pamilya ang ngayo’y nananatili sa evacuation centers.

Facebook Comments