DSWD, nakapagpadala na ng karagdagang 19-libong family food packs para sa mga apektado ng pagaalburuto ng bulkang Mayon

Manila, Philippines – Nakapagpadala na ng karagdagang 19, 500 family food packs ang Central Office ng Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng napektuhan ng pagaalboroto ng bulkang Mayon sa Albay.

Ito ay bilang tugon sa 69k family food packs na una nang nirequest ng DSWD Region V, kasabay ng pagdami ng mga nagsisilikas patungo sa mga evacuation center.

Kaugnay nito, tiniyak ni DSWD Field Office Dir Arnel Garcia, na kayang tugunan ng DSWD ang pangangailangan ng 20 libong mga pamilya sa loob ng 100 araw.


Sa kasalukuyan, ang kailangan aniya nila ay 80 hanggang 100 volunteers para sa DSWD Cebu, upang tumulong sa nagpapatuloy na relief goods repacking.

Facebook Comments