Nakapaghatid na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga relief supplies para sa mga pamilyang naapektuhan ng magkasunod na malakas na lindol sa Batangas at Eastern Samar.
Abot sa mahigit 305,000 na family food packs ang naipamahagi ng DSWD sa mga apektadong lugar na matinding hinagupit ng lindol.
Nakapagmahagi rin ang DSWD ng mga non-food items na nagkakahalaga ng mahigit 764,000 na kinabibilangan ng mga banig, kumot at tents.
Kabilang sa mga nabigyan ng relief supply ay ang mga apektadong pamilya sa barangay ng Can-Avid at San Julian sa Eastern Samar at mga barangay ng Gandara, Matuguinao, Pinabacdao sa Western Samar.
Sa nabanggit na limang barangay, labindalawang kabahayan ang nasira.
Nagpapatuloy ang assessment at validation efforts ng DSWD sa mga lugar na may naitalang apektadong pamilya.
May 24/7 na nakatalagang mga personnel sa field offices para magbigay ng assistance at relief efforts.