DSWD, nakapagpamahagi na ng mahigit 46 million na family food packs sa harap ng umiiral na Enhanced Community Quarantine

Umabot na sa mahigit P46 million pesos na halaga ng family food pack ang naipamahagi  ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa harap ng umiiral  na Enhanced Community Quarantine.

Katumbas ito ng 1.63 billion pesos na tulong na naipamahagi ng ahensya sa mga LGUs sa buong bansa.

Mayroon pang 1.35 billion pesos na standby fund at stockpile fund ang DSWD.


Kabilang sa laman ng family food packs ay anim na kilo ng bigas, walong de-lata, anim na sachet ng kape.

Nagpapamahagi ang DSWD ng family food packs tuwing may request ang mga LGUs.

Facebook Comments