DSWD, nakapagtala na ng mga naapektuhan ng kalamidad

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sa kabila na hindi direktang tumama sa kalupaan ang Bagyong Betty, nakapagtala na ang DSWD ng mga naapektuhan ng kalamidad.

Ayon sa DSWD, aabot sa 467 ang naitalang indibidwal na apektado sa Region 2.

Katumbas ito ng 58 pamilya mula sa 10 barangay.


42 pamilya o katumbas ng 251 indibidwal ang kasalukuyang namamalagi sa mga evacuation center.

Nasa 23 pamilya o 139 indibidwal ang nasa labas ng evacution centers o namamalagi sa kanilang mga kaanak.

Nakapagtala na rin ang DSWD ng 25 mga bahay ang nawasak habang limang bahay na bahagyang nasira.

Facebook Comments