DSWD, nakapamahagi na ng family food packs sa mga nasalanta ng Bagyong Auring

Umabot na sa 15,000 family food packs ang naka-preposition sa Surigao del Sur kasunod ng pananalasa ng Bagyong Auring.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, nasa 8,000 food packs ang ipinadala sa kanilang field office sa Caraga habang ang natitirang 7,000 ay inaasahang darating ngayong araw.

Nasa ₱22.09 million ang standby fund ng DSWD para sa food at non-food items.


Sakaling magkulang ang pondo sa Caraga, may nakahanda silang ₱459.8 million na augmentation fund.

Nasa 3,500 na apektadong pamilya ang nabigyan ng ₱3,000 cash assistance.

Ang mga pamilyang na nawalan ng tirahan ay makakatanggap ng ₱30,000 cash assistance, habang ang mga nagtamon ng partial damage sa kanilang bahay ay makakatanggap ng ₱15,000.

Facebook Comments