DSWD, nakapamahagi na ng higit P63 bilyong halaga ng SAP 2

Higit P63.2 bilyon na ang naipamahaging second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, katumbas ito ng 69.2% o higit 9.7 milyong pamilyang benepisyaryo ng SAP.

Kabilang aniya rito ang higit 1.3 million Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, 5.1 million low-income non-4Ps families at mahigit 3.2 million waitlisted families.


Tiniyak naman ni Dumlao na patuloy ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang “waitlisted” families.

Mayroon na rin aniya silang catch-up plan para maabot ang target deadline sa pamamahagi ng ikalawang bugso ng ayuda sa ikalawang linggo ng Agosto.

Pagtitiyak ni Dumlao, nakikipag-coordinate sila sa kanilang Financial Service Providers (FSP) para matugunan ang mahahabang pila sa remittance centers.

Apela ng DSWD sa SAP 2 beneficiaries na magtungo lamang sa remittance centers para sa kanilang scheduled payout.

Facebook Comments