DSWD, nakapamahagi na ng P28.3 million relief aid, P327.7 million livelihood assistance sa NCR+

Nakapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng higit ₱28.3 million na halaga ng relief aid at ₱327.7 million na halaga ng livelihood assistance sa NCR plus bubble.

Ayon sa DSWD, nakapagbigay na sila ng 8,964 family food packs na nagkakahalaga ng higit ₱28.3 million bilang bahagi ng relief augmentation support sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Nakikipagtulungan sila sa mga local government units para matiyak na mayroong well-coordinated response para sa pamamahagi ng food assistance sa mga residenteng nasa ilalim ng mahigpit na lockdown.


Samantala, nasa 29,304 beneficiaries ang nakinabang sa Livelihood Assistance Grant (LAG), isa sa recovery at rehabilitation program ng pamahalaan, at alinsunod ito sa ilalim ng Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act o “Bayanihan 2”.

Facebook Comments