DSWD, nakatuon ngayon sa development plan para maingat ang kabuhayan ng mga Pilipino

Naniniwala ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na kailangan matugunan ang tunay na problema ng bansa kung saan isa sa kanilang nakikita ay ang Oplan Pag-abot na nakapokus ng iba’t ibang intervention gaya ng Balik-Probinsya Program.

Ayon kay DSWD Usec. Edu Punay, gumagawa ng paraan ang ahensya upang matulungan ang mga kababayan natin na talagang nangangailangan ng tulong.

Paliwanag ni Punay na nakatuon ang DSWD sa development plan, ibig sabihin hindi lamang tumutulong kundi gumagawa ng paraan ang ahensiya upang maiangat ang mga mahihirap na Pilipino na nawalan ng oportunidad.


Naniniwala ang DSWD na hindi tamad ang mga Pilipino kaya’t gumagawa sila ng paraan upang maiangat ang kabuhayan at dignidad ng bawat mga Pilipino kung saan isa sa kanilang mga programa ay ang Walang Gutom Na Mga Pilipino 2027 na isang flagship program ng pamahalaan.

Binigyang diin pa ni Punay na katuwang nila sa kanilang mga programa ay ang TESDA at DOLE kung saan tinutulungan ang mga mahihirap na mga Pilipino na maturuan ng kanilang mga skill at mabigyan ng disenteng trabaho.

Facebook Comments