Kasabay ng pagdiriwang ng World Food Day, nakiisa ang DSWD sa patuloy na pagsusulong ng mga programa, serbisyo at adbokasiya na wakasan ang kagutuman at palakasin ang seguridad sa pagkain ng bawat pamilya.
Sa pangunguna ni DSWD Secretary REX Gatchalian, mas pinalawak pa ang Walang Gutom Program (WGP) upang matiyak ang pagkakaroon ng masustansya at sapat na pagkain sa bawat hapag ng sambahayang Pilipino.
Inilunsad ang Reducing Food Insecurity and Undernutrition with Electronic Vouchers o REFUEL Project upang mabigyan ng tulong ang mga pamilyang nabibilang sa low-income household. Sila ay buwan-buwan na makatatanggap ng Php 3,000 food credits upang makabili ng mga pagkaing sariwa at may sapat na nutrisyon.
Tiniyak ni Secretary REX na sa pamamagitan ng Walang Gutom Program, mapapaigting natin ang misyon tungo sa isang bansang walang nagugutom.









