DSWD, nakipag-partner sa dalawang foundation para sa implementasyon ng 4Ps program

May bagong partner o makakatuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa paghahatid ng serbisyo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kasunod ng paglagda ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ng isang memorandum of agreement sa Save the Children Foundation at EastWest Seed Foundation.

Tutulong ang Save the Children-Philippines sa pagpapalakas ng 4Ps Family Development Sessions sa pamamagitan ng Parenting Program nito.


Partikular na magkakaloob ito ng trainers at facilitators’ training sa 4Ps key staff upang mabigyan ng kapasidad ang mga ito sa pag- alalay sa mga magulang sa ilalim ng 4Ps.

Ito’y upang makapag-develop sila ng mga bata na may pambihirang potensyal.

Makakatuwang naman ng DSWD ang EastWest Seed Foundation sa pamamagitan ng VeggiEskwela Program nito.

Magbibigay ito ng skills development at technical know-how para sa community gardening.

Facebook Comments