DSWD, nakipagpulong sa BSP para sa digitalization ng mga transaksyon sa ahensiya

Nakipagpulong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian kay Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Regional Operations and Advocacy Sector Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat hinggil sa usapin ng digitalisasyon sa cash transactions sa ahensya.

Kabilang dito ang posibilidad ng contactless na distribusyon ng financial assistance ng ahensya gaya na lang ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Ayon kay DSWD Sec. Gatchalian, ang digitalisasyon sa sistema at proseso sa ahensya ang isa sa mga prayoridad na itinutulak nito sa ahensya.


Bahagi rin aniya ito ng plano niyang pagpapatupad ng konsepto ng Ease of Doing Social Welfare.

Facebook Comments