DSWD, nakipagpulong sa NACC

Nakipagpulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Authority for Child Care (NACC) upang gawing magkakatugma ang kanilang mga programa para sa kapakanan ng mga batang kinukupkop sa Child Caring Agencies (CCAs) at sa Child Placing Agencies (CPAs).

Ito ay upang matiyak na naaangkop sa quality standards ang mga programa na ipinagkakaloob sa mga ipapaampong bata.

Nagpaalala naman si NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada sa mga CCA at sa CPA na tiyaking mayroon silang kaukulang DSWD registration para mag-operate.


Ang CDCLAA o Certification Declaring a Child Legally Available for Adoption ay kinakailangang makuha upang matiyak na sumusunod sa tamang pamantayan ang inihahatid na serbisyo ng mga ito.

Tiniyak naman ng Standard Bureau ng DSWD na imo-monitor nito ang pagsunod sa akreditasyon ng CCAs at CPAs.

Facebook Comments