DSWD, namahagi na ng relief supplies sa Calayan Island

Hinatid na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 sa Calayan Island ang may dalawang libong family food packs para ipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Egay at habagat.

Ang hakbang ng DSWD ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdimand R. Marcos Jr. na tutukan ang early recovery at rehabilitasyon ng mga pamilyang lubhang naapektuhan ng kalamidad.

Una nang nagsagawa ng inspeksyon si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga lalawigan ng Ilocos Norte at Cagayan at inatasan na rin ng kalihim ang lahat ng regional directors nito na tiyakin ang mabilis at walang hadlang na paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga pamilya.


Samantala, batay sa datos ng DSWD-Disaster Response and Management Bureau, nasa P2.1 bilyon na halaga ng mga pagkain at non-food items ang nakalatag na sa iba’t ibang DSWD warehouses sa buong bansa.

Facebook Comments