Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na umaabot sa 3,000 mga mahihirap na pamilya ang binigyan ng tig-iisang kaban ng bigas na taga Calumpit, Paombong at Obando sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang ipinamudmud na bigas ay bahagi ng 42,000 na sako ng bigas na kinumpiska ng Bureau of Customs o BOC sa Port of Zamboanga City na idinonate sa gobyerno.
Paliwanag pa ni Gatchalian, magpapatuloy ang pagbibigay ng libreng bigas sa mga pinakamahirap na pamilya alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mayroong sapat na bigas na makakain ang bawat Pilipino.
Sa panig ng gobyerno, hindi raw titigil ang pamahalaan na hanapin ang mga bigas na itinatago ng smugglers at hoarders upang kumpiskahin at ibigay sa mga mahihirap na pamilya.
Kinumpirma ng DSWD na umabot sa mahigit sa 23,000 ma sako ng bigas ang naipamahagi ng ahensiya sa ilalim ng Free Rice Distribution Program ng pangulo para sa mga mahihirap na pamilya sa iba’t ibang panig ng bansa.