DSWD, namahagi ng mga ready-to-eat foods sa mga pasaherong stranded dahil sa Bagyong Wilma

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga Ready-to-Eat Food (RTEF) boxes sa mga pasaherong stranded sa mga pantalan dulot ng Bagyong Wilma.

Sa Pio Duran Port sa Albay, namigay ng RTEF ang DSWD-Field Office 5 sa mga pasaherong naghihintay kung kailan makakabiyahe dahil sa lakas ng alon sa naturang pantalan.

Samantala, nabahagian rin ang mga pasaherong nananatili sa Surigao City at Nasipirt Port sa Agusan del Norte matapis suspendihin ang operasyon ng nabanggit na pantalan.

Kung saan nasa 189 na kahon ng RTEF ang naipamigay sa mga pasaherong apektado ng pansamantalang pagtigil ng operasyon.

Tiniyak naman ng DSWD na maihahatid ng mabilis, sapat at maginhawang tulong-pagkain sa lahat ng mga indibidwal na apektado ng kalamidad.

Facebook Comments