Namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation/s (AICS) na programa ng ahensya.
Umabot sa mahigit 500 na benepisyaryo nito ang nakinabang at nakatanggap ng ayuda.
Halos 300 naman sa mga ito ay nakakuha ng medical assistance na nagkakahalaga ng ₱3,000 hanggang ₱5,000.
Ang natititra naman ay nakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng ₱2,000.
Ayon kay Parañaque Mayor Olivarez, maaaring magtungo ang mga residente sa tanggapan nito para sa karagdagang tulong pinansiyal at medikal sa pamamagitan ng City Social Amelioration Program.
Samantala, naglaan naman ng karagdagang tulong sa mga residenteng nangangailangan ang DSWD para pa rin sa programa at pagtulong nito sa ating ng kababayan.