DSWD, namigay ng food items at financial aid sa 3rd batch ng LSIs sa ilalim ng Hatid Tulong program

COURTESY: DSWD

Nagkaloob ng food items at pinansyal na tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa third batch ng mga Locally Stranded Individual (LSI) na pinauwi pabalik sa kanilang mga probinsiya.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng DSWD ay mga family food packs, sleeping kits, hygiene kits, at pre-departure financial assistance na nagkakahalaga ng P2,000.

Abot sa 154 na LSIs ang napasama sa third batch na papauwi sa Region-8,9,10,11 at 12.


Ibiniyahe sa barko ang mga LSI sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard.

Kapag nakarating na sa kani-kanilang probinsiya ay isasalang muna ang mga ito sa 14-day quarantine bago makapiling ang kani-kanilang pamilya.

Facebook Comments